--Ads--
Inanunsyo nina Aiko Melendez at Onemig Bondoc ang kanilang engagement, ilang buwan matapos nilang kumpirmahin ang kanilang relasyon.
Ayon kay Melendez, nagsimula ang kanilang love story 29 taon na ang nakalilipas, dumaan sa mahabang panahon ng pagkakalayo, bago muling nagkrus ang kanilang landas.
Sa isang post, ibinahagi ng aktres ang kanyang kasiyahan sa nalalapit nilang pagpapakasal, matapos umano niyang muling matagpuan ang taong matagal niyang hinihintay.






