--Ads--
Kinumpirma ng aktor at pastor na si Edward Barber na engaged na siya sa kaniyang non-showbiz partner na si Rikki.
Inihayag ni Edward ang kanilang engagement habang nagsasalita sa kaniyang church kung saan siya nagsisilbi bilang pastor in training.
Ibinahagi niyang siya mismo ang nag-propose kay Rikki at masaya niyang ipinakilala ito bilang kaniyang fiancée.
Sunod-sunod naman ang pagbati ng kaniyang fans sa social media para sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib.
--Ads--





