Hinataw ng Akari ang pang-limang sunod na panalo matapos talunin ang Galeries Tower sa 2026 Premier Volleyball League All-Filipino Conference sa Santa Rosa Sports Complex sa Laguna.
Pinangunahan si Ced Domingo na nagtala ng 14 points para sa 5-3 na record ng Chargers, habang may 13 at 12 puntos naman sina Fifi Sharma at Eli Soyud. Malaki rin ang naitulong ni setter Mars Alba na nakapagtala ng 27 excellent sets, at ni libero Justine Jazareno na may 15 digs para mapalakas ang tsansa ng koponan sa Qualifying Round.
Ayon sa coach na si Tina Salak, maayos na nairaos ang laro ngunit hindi pa sapat ang recovery mula sa nakaraang laban. Nakahugot din si Ivy Lacsina ng pitong puntos. Kailangan pa ng isang panalo ng tropa ni Salak para opisyal na makapasok sa Top Four.
Samantala, bumagsak ang Galeries Tower sa ikaapat na sunod na pagkatalo at nagkaroon ng 2-6 na record. Matapos ang panalo ng Akari sa unang dalawang set, nakuha naman ng Galeries Tower ang third set, 25-14, sa pamumuno nina Aiza Maizo-Pontillas, Erika Raagas, Jean Asis, at Erika Deloria.
Nabigyan ng pagkakataon ang Chargers na makabawi sa fourth set matapos makamit ang 14-8 na kalamangan bago makatabla ang Highrisers sa 24-24 sa pamamagitan ng service ace ni Raagas. Nagkaroon ng service error si Raagas na nagbigay sa Akari ng match point, at natapos ang laro sa crosscourt hit ni Soyud.
Pinamunuan ni Maizo-Pontillas ang Highrisers sa 17 points, habang may 14, 13, at 10 puntos naman sina Raagas, Asis, at Deloria.






