--Ads--

Pumanaw na ang aktres na si Sue Prado sa edad na 44, ayon sa kanyang pamilya.

Kinumpirma ng kaniyang kapatid na si May Shereen Prado sa isang Facebook post nitong Miyerkules, Abril 15, isang araw matapos ang pagpanaw nito. Hindi naman ibinunyag ang sanhi ng kaniyang kamatayan.

Ayon kay May, si Sue ay isang taong nagdadala ng liwanag sa iba at buong pusong inialay ang kaniyang buhay sa kanyang pamilya at karera.

Iaanunsyo pa ng pamilya ang detalye ng lamay sa mga susunod na araw.

--Ads--

Kilala si Sue Prado sa kanyang husay sa pag-arte sa indie at mainstream films at telebisyon. Ilan sa kanyang mga proyekto ay ang “Barber’s Tales,” “Oro,” “Area,” “Himpapawid,” “Dagsin,” “Thelma,” “Ilustrado,”  at “Madrasta.”

Naging bahagi rin siya ng jury sa ika-3 Sharm El Sheik Asian Film Festival (SAFF) noong 2019 kung saan tumulong siyang humusga sa Feature Film category.