Dumating na sa Estados Unidos si Alex Eala para sa dalawang malalaking WTA1000 tournaments, ang Indian Wells Open at Miami Open.
Matapos ang matagumpay na stint sa Asia at Oceania, nakapasok siya sa Last 8 ng Dubai Duty Free Tennis Championships at umabot sa semifinals ng ASB Classic sa New Zealand, quarterfinals ng Philippine Women’s Open, at quarterfinals/doubles semifinals sa Abu Dhabi Open.
Tumaas si Eala sa WTA No. 31 mula No. 47, isa sa pinakamabilis na umangat sa rankings ngayong taon.
Bumisita rin siya sa Nike World Headquarters sa Oregon, kung saan ipinakita sa kanya ang portrait niya sa legendary tunnel kasama ang iba pang global ambassadors.
Noong nakaraang Miami Open, nagsimula si Eala bilang wildcard at tinalo ang mga Top-10 players tulad nina Iga Swiatek, Jelena Ostapenko, at Madison Keys, na nagbigay daan sa kanya para makapasok sa Top 100 ng WTA sa unang pagkakataon.











