Nakamit ni Filipina tennis star Alex Eala ang isa na namang makasaysayang tagumpay matapos nitong talunin ang 4 time na Grand Slam champion na si Naomi Osaka sa semifinals ng 2026 Mubadala DC Open upang makapasok sa kauna-unahang WTA 500 final ng kanyang karera.
Sa naging laban, ipinakita ni Eala ang matinding determinasyon at husay laban kay Osaka, isa sa mga pinakamatagumpay na manlalaro sa women’s tennis, upang maselyuhan ang panalo at mapalapit sa inaasam na kampeonato.
Dahil sa tagumpay, isang panalo na lamang ang kailangan ni Eala upang maiuwi ang kanyang unang titulo sa isang WTA 500 tournament, isang tagumpay na maituturing na makasaysayan para sa Pilipinas.
Makakaharap ni Eala sa final ang magwawagi sa kabilang semifinal match habang umaasa ang mga Pilipino na maidaragdag niya ang isa pang malaking karangalan para sa bansa.






