--Ads--
Tiyak na lalahok si tennis star Alex Eala para sa Pilipinas sa 2026 Asian Games sa Japan, anuman ang maging desisyon ng Women’s Tennis Association o WTA sa hinihinging waiver para sa kaniyang pagliban sa China Open.
Ayon kay Philta Executive Director Tonette Mendoza, desidido si Eala na lumahok sa Asian Games kahit magkaroon ng posibleng penalty mula sa WTA.
Nakapasok si Eala sa women’s singles at doubles event sa Asian Games na gaganapin sa Aichi-Nagoya, Japan. Sa nakaraang Asian Games noong 2023, nag-uwi siya ng dalawang bronze medal sa singles at mixed doubles.
Ayon naman kay Philippine Olympic Committee President Abraham Tolentino, malaking bagay ang desisyon ni Eala na unahin ang paglalaro para sa watawat at bansa.
--Ads--











