--Ads--

Pasok na sa quarterfinals ng doubles event ng Bad Homburg Open ang tambalan nina Alexandra “Alex” Eala at Venus Williams matapos nilang talunin sina Catherine Harrison at Alexandra Osborne, 6-3, 6-4, noong Miyerkules.

Tumagal lamang ng isang oras at 10 minuto ang laban bago tuluyang maselyuhan ng Eala-Williams tandem ang kanilang puwesto sa susunod na yugto ng torneo.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsanib-puwersa sina Eala at Williams bilang magkapareha sa isang doubles event.

Sa quarterfinals, makakatapat nila ang tambalan nina Tereza Mihalikova ng Slovakia at Olivia Nicholls ng Great Britain, na kapwa kabilang sa Top 30 ng women’s doubles rankings at kasalukuyang nasa World No. 29.

--Ads--

Samantala, nagtapos naman nang maaga ang kampanya ni Eala sa singles category ng torneo matapos siyang mabigo kay Elise Mertens ng Belgium sa unang round, 6-3, 6-3, noong Martes (Philippine time).