--Ads--

CAUAYAN CITY – Arestado ang nasa anim na katao matapos ikasa ng mga kasapi ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office ang simultaneous Anti-Illegal Gambling Operations sa Lalawigan.

Unang naaresto ang grupo ng tatlong indibidwal sa Brgy. Roxas, Solano, Nueva Vizcaya.

Nasamsam ng mga otoridad ang bet money na nagkakahalaga ng P6,420, dalawang set ng baraha at isang tablecloth.

Una rito ay natanggap impormasyon mula sa isang concerned citizen ang Pulisya kaugnay sa paglalaro ng Tong its ng mga suspek.

--Ads--

Samantala, nagkasa ng kaparehong operasyon ang mga otoridad ng Solano Police Station na ikinadakip ng tatlong iba pa.

Nakuha mula sa kanila ang P1,015 na bet money, tatlong mono block chairs at isang lamesa.

Ang mga nadakip ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposison.