--Ads--

Matapos arestohin ay nakatakdang litisin na sa Federal Court si Venezuelan President Nicolas Maduro ngayong araw ng Lunes 12:00 p.m. Eastern Time sa New York City ayon sa federal authorities.

Si Maduro kasama ang kaniyang may bahay na si Cilia Flores, ay inaresto mula sa kanilang tahanan sa Caracas Venezuela matapos ang isang malawakang military operation na ipinag-utos ni President Donald Trump.

Kasalukuyang nahaharap si Maduro sa apat na bilang ng narco-terrorism conspiracy, cocaine importation conspiracy, possession of machine-guns and destructive devices, and conspiracy to possess machine-guns and destructive devices.

Ang kaniyang asawa naman na si Cilia ay nahaharap sa kasong three counts, kabilang ang cocaine importation conspiracy, possession of machine-guns and destructive devices, and conspiracy to possess machine-guns and destructive devices.

--Ads--

Matatandaan na ipinag-utos ni US President Donald Trump ang pag-atake sa military sites sa loob ng Venezuela umaga ng Sabado, Enero 3, 2026 (local time).

Kinumpirma ng US officials ang inilunsad na strikes ng Amerika sa Venezuela.

Narinig din ang mga serye ng pagsabog sa may kabisera ng Venezuela na Caracas. Mayroon ding mga hindi kumpirmadong ulat na pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid sa siyudad.

Bunsod ng pag-atake, ilang mga nakapalibot na komunidad ang walang suplay ng kuryente.

Sa isang official statement naman mula sa gobyerno ng Venezuela, mariin nitong kinondena at tinututulan ang military aggression ng US military.

Sa ngayon, wala pang detalye o kumpirmadong ulat kung may mga nasaktan sa mga insidente ng pagsabog sa kabisera ng Venezuela.

Ang paglulunsad ng strike ng US sa Venezuela ay sa gitna ng umiigiting pang tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa kaugnay sa drug trafficking.