--Ads--

Pormal nang binuksan ng mga lider ng Southeast Asian Nations ang kanilang taunang summit sa Maynila nitong Linggo, Nobyembre 15, upang talakayin ang mga pangunahing usaping panrehiyon at pandaigdig, kabilang ang mga umiiral na armadong tunggalian at tensiyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Sa loob ng tatlong araw na pagpupulong, inaasahang magiging bahagi rin ng mga talakayan ang pakikipagdayalogo sa mga lider ng iba pang bansa, kabilang si United States President Donald Trump na inaasahang darating sa Pilipinas sa Martes kasama si US Secretary of State Marco Rubio.

Kabilang sa mga pangunahing usaping tatalakayin ang nagpapatuloy na sigalot sa Middle East, tensiyon sa West Philippine Sea at South China Sea, gayundin ang civil war sa Myanmar.

Inaasahang muling igigiit ng mga lider ang kahalagahan ng pagpipigil sa mga aksiyon na maaaring magpalala ng tensiyon at pagsusulong ng mapayapang resolusyon sa mga sigalot, alinsunod sa international law at United Nations Charter.

--Ads--

Binigyang-diin naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nananatiling mahalaga ang pagkakaisa ng 11 bansang kasapi ng ASEAN sa kabila ng magkakaibang interes at hamong kinakaharap ng bawat isa.

Matapos ang summit, nakatakdang ipasa ng Pilipinas sa Singapore ang taunang pamumuno sa ASEAN.