--Ads--

CAUAYAN CITY- Inaresto ng mga kapulisan ang isang babae matapos maaktuhang nagbebenta ng iligal na droga sa Purok 2, Brgy. Marana 2nd, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office naaresto ang suspek na kinilalang si alyas  “Lyn” na tinuturing na Street Level Individual.

Sa pangunguna ng mga kapulisan ng IPPO at sa koordinasyon sa PDEA RO2 ay nasamsam sa pag-iingat ng suspek ang isang pakete ng hinihinalang shabu (buy-bust stuff), isang genuine five-hundred-peso bill kasama ang dalawang one thousand boodle money (buy-bust money) at isang cellphone.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng mga kinauukulanan ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Sec.5 ng Art. II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

--Ads--