--Ads--

Isang museum owner sa Iowa ang posibleng bagong Guinness World Record holder matapos niyang i-katalogo ang kanyang koleksiyon ng 38,162 kutsarita at iba pang uri ng kutsara na higit 8,000 ang lamang sa kasalukuyang record holder.

Si Cammie Pohl, tagapamahala ng Mississippi Spoon Gallery, ay nagsama ng halos dalawang dosenang volunteers upang bilangin at idokumento ang bawat piraso sa loob ng limang oras.

Layunin niyang patunayan sa Guinness World Records na nalampasan na niya ang current record holder na si Des Warren, na nagtala ng 30,000 teaspoons noong 1990.

Hindi lamang pangkaraniwang kutsarita ang nasa koleksiyon ni Pohl. Nariyan din ang mga salt teaspoon, mustard spoons, at mga antigong kutsara mula pa noong Gilded Age.

--Ads--

Ayon kay Pohl, nagsimula ang lahat nang regaluhan siya ng kanyang lola ng 127 kutsara bilang alaala ng kanilang mga tea party noong siya’y bata pa.

Para kay Pohl, hindi lang ito koleksiyon, ito ay isang paraan upang ipakita ang sining ng silversmithing na nakakalimutan na ngayong modernong panahon.