Usap-usapan ang umano’y bagong karelasyon ni Sarah Lahbati na si Mikhail Schemm matapos ibahagi ng aktres sa social media ang birthday greeting nito sa pagdiriwang ng kanyang ika-33 kaarawan.
Ayon sa isang source, Swiss-German-Filipino si Schemm, habang Swiss-Filipino naman si Lahbati.
Lumaki umano si Schemm sa Rome, Italy, kaya mahusay itong magsalita ng Italian. Inilarawan din siya ng source bilang may kaya sa buhay at sosyal, bagama’t hindi umano kabilang sa mga ultra-rich.
Muling ibinahagi ni Lahbati ang birthday greeting mula sa Instagram account na may username na “Schmikmikmik,” na naglalaman ng mensaheng “Happy birthday to this wonder woman,” kasama ang mga emoji ng lobo at cake.
Naka-link umano ang nasabing account sa isang concert executive na may mga opisina sa Manila at Hong Kong.






