--Ads--

Masaya ngayon ang actress na si Sanya Lopez sa kaniyang love life at aminadong nakikita na niya ang nobyo bilang makakasama habambuhay.

Ikinuwento ni Sanya na sa Boracay sila unang nagkakilala sa tulong ng isang common friend. Nagsimula umano ang panliligaw ng binata matapos ang kanilang pagkikita, at madalas na rin itong bumisita sa kaniyang bahay at magdala ng mga bulaklak.

Pinili naman ng aktres na panatilihing pribado ang kanilang relasyon dahil naniniwala siya sa evil eye at ayaw niyang maapektuhan ang kanilang pagsasama.

Ayon kay Sanya, mahalaga sa isang relasyon ang pagiging masaya, pag-unawa sa isa’t isa at pagtutulungan upang punan ang mga pagkukulang.

--Ads--

Bagama’t wala pang isang taon ang kanilang relasyon, sinabi ng aktres na nararamdaman na niya ang pagiging asawa sa kaniyang nobyo, at sinisikap din niyang masuklian ang pagmamahal at pag-aalaga nito sa kaniya.