Mas lumakas pa at isa nang severe tropical storm ang Bagyong Emong habang patuloy sa pagkilos sa West Philippine Sea.
Ang sentro ng bagyo ay huliing namataan sa layong 245 kilometro sa kanluran ng Bacnotan, La Union.
Taglay nito ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 110km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 135km/h. Kumikilos ito sa bilis na 25km/h pa-timog kanluran.
Dahil dito, isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon
The northern portion of Pangasinan (Anda, Bolinao, Bani) and the western portion of La Union (Luna, Balaoan, Bacnotan, San Juan, City of San Fernando, Bauang, Caba)
Samantala, nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:
Ilocos Norte, Ilocos Sur, the rest of La Union, the western portion of Apayao (Conner, Kabugao, Calanasan), Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, the central portion of Pangasinan (Agno, Burgos, Mabini, City of Alaminos, Sual, Labrador, Bugallon, Infanta, Dasol, Lingayen, Binmaley, Dagupan City, Calasiao, Santa Barbara, Mangaldan, Mapandan, Manaoag, Laoac, Binalonan, San Manuel, San Nicolas, Pozorrubio, Sison, San Fabian, San Jacinto), and the western portion of Nueva Vizcaya (Kayapa, Santa Fe)
Signal no. 1 naman ang Batanes, Cagayan including Babuyan Islands, the western and central portions of Isabela (Santo Tomas, Delfin Albano, Quezon, Mallig, Quirino, Roxas, San Manuel, Aurora, San Mateo, Ramon, Cordon, Burgos, Cabatuan, Cabagan, San Pablo, Santa Maria, Tumauini, Gamu, Luna, Maconacon, Alicia, San Mariano, Naguilian, San Guillermo, City of Cauayan, Echague, Ilagan City, Angadanan, Benito Soliven, City of Santiago, Reina Mercedes, San Agustin, Divilacan, San Isidro, Jones), the rest of Nueva Vizcaya, Quirino, the rest of Apayao, the rest of Pangasinan, the northern and central portions of Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan), Tarlac, and the western and central portions of Nueva Ecija (Carranglan, Lupao, Talugtug, Cuyapo, Nampicuan, Guimba, Science City of Muñoz, San Jose City, Pantabangan, Rizal, Llanera, Talavera, Santo Domingo, Quezon, Licab, Aliaga, Zaragoza, San Antonio, Jaen, Cabanatuan City, Santa Rosa, General Mamerto Natividad, Palayan City, Bongabon, Laur)
Ayon sa PAGASA, sa susunod na 12 oras ay inaasahang kikilos pa-timog silangan ang bagyo at maaaring mag-landfall sa Ilocos Region mamayang gabi o bukas ng madaling araw. Inaasahan ding dadaan ito malapit sa Babuyan Islands.
Hindi inaalis ang posibilidad na ito ay maging ganap na typhoon bago tumama sa kalupaan.
Pinapayuhan ang lahat ng residente sa mga apektadong lugar na manatiling alerto sa mga posibleng pagbaha, pagguho ng lupa, at malalakas na hangin. Hinihikayat din ang publiko na patuloy na sumubaybay sa mga opisyal na abiso mula sa PAGASA at sa lokal na pamahalaan.
Samantala patuloy ding minomonitor ang isa pang bagyo na si tropical depression Dante na nasa loob din ng PAR.
Ang sentro ng bagyo ay huliing namataan sa layong 790 km East Northeast ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 75km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 90km/h. Kumikilos ito pa-north-northwestward sa bilis na 15km/h.
Batay sa forecast track ng PAGASA, Inaasahang lilihis ito patungong kanluran-hilagang kanluran patungo sa Ryukyu Islands at kalaunan sa East China Sea. Posible itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang hapon o gabi.











