Pormal nang inimpeach ng House of Representatives si Vice President Sara Duterte matapos aprubahan ng mayorya ng mga mambabatas ang Articles of Impeachment laban sa kanya.
Sa isinagawang botohan, 255 kongresista ang bumoto pabor sa impeachment, 26 ang tumutol, habang 9 naman ang nag-abstain.
Kasunod ng pag-apruba, agad nang ipinadala sa Senate of the Philippines ang impeachment complaint para sa pormal na paglilitis.
Alinsunod sa Konstitusyon, uupo bilang impeachment court ang Senado upang dinggin at litisin ang mga reklamong inihain laban sa Bise Presidente.
Naging sentro ng pambansang usapin ang impeachment proceedings matapos ang sunod-sunod na alegasyon at isyung iniuugnay kay VP Duterte, habang mahigpit namang nakatutok ang publiko sa magiging resulta ng paglilitis.











