CAUAYAN CITY- Natagpuan na ang katawan ng nawawalang lalaki na hinihinalang nalunod sa Maluno Norte , Benito Soliven , Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Punong Barangay Rosita Bayaona ng Libertad San Mariano Isabela, sinabi niya na dahil sa masigasig nilang paghahanap ay natagpaun na ang katawan ni Ginoong Eliseo Linagga.
Aniya, nakatanggap sila ng impormasyong natagpuan ng ilang magsasaka ng mais ang hubu’t hubad na bangkay ni Ginoong Eliseo na agad naman nilang pinuntahan at sa kasalukuyan ay nakahimlay nasa punerarya.
Hinala nila na dahil sa tumaas ng tubig sa ilog ay naagos sa Malunu Norte ang katawan ng biktima at ng bumaba ang antas ng tubig ay sumadsad ito malapit sa maisan.
Labis naman ang pasasalamat ni Ginang Merlyn Eliseo dahil sa mabilis na nahanap ang labi ng kaniyang mister.
Matatandaan na Hapon ng Linggo nang magtungo si Ginoong Eliseo sa Brgy. Ibujan para ihatid ang minamaneho nitong sasakyan kung saan ay nagkaroon ng inuman.
Nakauwi naman ito sa kaniyang anak na residente ng nasabing barangay at kinaumagahan ay nagdesisyon nang umuwi sa Libertad dahil nakatakda umano itong magtungo sa Aritao Nueva Vizcaya noong Martes.
Huling nakita si Ginoong Linagga sa ilog na bahagi ng Ibujan at naghahanda nang tumawid sa ilog pauwi sa kanilang barangay.