--Ads--

Hindi pinalampas ni Barbie Imperial ang akusasyon ng ilang netizens na ginagaya niya umano si Sarah Lahbati.

Si Sarah ang estranged wife ng nobyo ngayon ni Barbie na si Richard Gutierrez.

Noong May 20, 2026, nag-post si Barbie sa social media ng larawan niya habang siya’y nasa harap ng kaniyang sasakyan.

Mabilis na dinumog ng mga intrigra ang post na ito ni Barbie, lalo na’t napansin ng ilang netizens ang pagkakahawig ng post niya sa naunang post ni Sarah.

--Ads--

Sa comments section ng post ni Barbie, may ilang netizens na nagkumpara sa kanila ni Sarah at inakusahan siya ng panggagaya.

Hindi pinalampas ni Barbie ang mga bintang laban sa kanya.

Sa comments section ng kanyang Facebook post, iginiit ng Kapamilya actress na hindi niya ginagaya si Sarah.

Ayon kay Barbie, matagal na niyang pagmamay-ari ang kanyang sasakyan at bahagi lamang ng car sponsorship campaign ang post niya.

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na matagal nang iniisyu sina Barbie at Sarah.

Nagsimula ito nang ma-link si Barbie sa hiwalayan nina Sarah at Richard.

Ngunit sa isang panayam noong February 2026, nanindigaan si Barbie na wala siyang anumang kinalaman sa hiwalayan ng dating mag-asawa.

Hiwalay na raw noon sina Richard at Sarah nang pumasok siya sa buhay ng aktor.