Pinag-usapan ng mga netizen ang aktres na si Barbie Imperial matapos nitong ipasilip ang kanyang bagong mamahaling SUV.
Sa mga larawang ibinahagi niya sa Facebook, makikitang nakaporma siya habang nakaupo at nakasandal sa puting Toyota Land Cruiser Prado.
Kapansin-pansin ang kombinasyon ng kanyang classy at matapang na porma habang suot ang black top, cargo pants at shades na bumagay sa naturang sasakyan.
Nilagyan niya ito ng caption na “Big toy for a small girl.”
Tinatayang nagkakahalaga ng mahigit apat na milyong piso ang naturang luxury SUV.
Marami ang bumati kay Barbie kabilang ang ilang kapwa artista, ngunit mayroon ding netizens na ikinumpara siya kay Sarah Lahbati, ang hiwalay na asawa ng kanyang nobyong si Richard Gutierrez, matapos ding magbahagi ng bagong sasakyan sa social media.









