--Ads--

Nagbabala ang PAGASA sa katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Batanes dahil sa umiiral na Southwest Monsoon o Habagat.

Batay sa Weather Advisory No. 4 na inilabas alas-5 ng hapon ngayong Agosto 23, inaasahan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Batanes mula ngayong araw hanggang bukas ng hapon.

Maaaring mas mataas ang pag-ulan sa mga bulubundukin at matataas na lugar, lalo na dahil sa mga naunang pag-ulan.

Samantala, patuloy na minomonitor ng PAGASA ang Tropical Depression na “GAENARI,” dating “NENENG,” at isa pang Tropical Depression na dating LPA 08h, na kapwa nasa labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR.

--Ads--

Nasa labas din ng PAR ang bagyong “SAUDEL,” na inaasahang papasok sa PAR bukas, Agosto 24, sa umaga o hapon.

Sa oras na makapasok sa PAR, tatawagin itong “Obet.” Inaasahan ding maaari nitong palakasin ang Southwest Monsoon o Habagat, na posibleng magdulot ng mas maulang panahon sa ilang bahagi ng Luzon.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at patuloy na sumubaybay sa mga Heavy Rainfall Warning, thunderstorm advisory at iba pang abiso ng PAGASA.