--Ads--

Ipinakita ng Filipina beauty queen at model na si Gazini Ganados ang kanyang ganda at husay sa pagrampa matapos lumahok sa Paris Fashion Week 2026 sa Paris, France.

Ibinahagi sa Instagram ang mga larawan ni Ganados habang rumarampa sa Grace Steadfast fashion show suot ang isang fitted pink gown na nilagyan ng asul at pilak na mga beads at gemstones.

Makikita rin sa iba pang larawan si Ganados na nag-pose sa harap ng Eiffel Tower habang namamasyal sa Paris.

Matatandaang naging representative si Ganados ng Pilipinas sa Miss Universe 2019 matapos koronahang Binibining Pilipinas Universe, kung saan nagtapos siya sa Top 20 at nagwagi ng Best National Costume award.

--Ads--

Ngayong taon, kinatawan din niya ang bansa sa kauna-unahang Miss Grand International All Stars pageant sa Thailand kung saan nakapasok siya sa Top 5.