--Ads--

Humakot ang Behrouz Elite Swimming Team (BEST) ng 18 ginto, pitong pilak at limang tansong medalya sa 3rd Asian Open Schools Invitational Short Course Swimming Championships sa Bangkok, Thailand.

Nanguna si Behrouz Mohammad Madi Mojdeh, na nagwalis sa anim na events sa boys’ 15-year division at nagtala ng dalawang rekord sa 200m individual medley at 200m breaststroke.

Samantala, anim na gintong medalya sa individual events at isa sa relay ang naiuwi ni Therese Annika Quinto sa girls’ 15-year division.

Nagdagdag naman si Clara Maligat ng apat na ginto at tatlong pilak, kabilang ang bagong rekord sa 200m butterfly.

--Ads--

May ambag din na isang ginto at isang tanso si Athena Denise Custodio para sa BEST.