--Ads--

Umabot na sa tinatayang 71 milyon ang bilang ng mga rehistradong regular voters para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakdang idaos sa Nobyembre 2, 2026, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Mas mataas ito kumpara sa 68 milyong regular voters na naitala noong 2025 national at local elections. Samantala, nasa 25 milyon naman ang rehistradong botante para sa Sangguniang Kabataan (SK).

Ayon sa Comelec, humigit-kumulang 5.6 milyong indibidwal ang nagparehistro sa voter registration period mula Oktubre 20, 2025 hanggang Mayo 18, 2026.

Ipinaliwanag din ng Comelec na ang mga SK voters ay edad 15 hanggang 30. Ang mga botanteng edad 15 hanggang 17 ay boboto lamang para sa SK, habang ang mga edad 18 hanggang 30 ay boboto para sa parehong SK at barangay elections.

--Ads--