--Ads--

CAUAYAN CITY – Umaani ng mga paghanga at papuri ang isang 29-anyos na tinaguriang PAA-Artist sa City of Ilagan dahil sa angking husay at galing sa pagpipinta at pagguhit ng mga obra gamit ang kanyang mga paa.

Ang mahusay na PAA-Artist na si Mark Agcoaili, residente ng Cabisera 25, City of Ilagan ay aktibong miyembro Isabela Artists Society at Artist ng Guhit Pilipinas.

Umani ng papuri si Mark dahil sa mga obra nito tampok ang mga sikat na personalidad gaya nina dating Miss Universe Catriona Gray, Pambansang Kamao Manny Pacquiao at iba pang mga kilalang personalidad.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Teresita Agcoaili, ina ni Mark at dating barangay kapitan Cabisera 25, City of Ilagan, sinabi niya na ipinanganak si Mark na normal at nakapagtapos siya ng elementarya.

--Ads--

Gayunman, nang siya ay 13 anyos ay tinamaan siya ng meningitis at naparalisa ang kanyang katawan at hindi na siya nakapagsalita.

Noong bata siya ay mahilig nang magpinta si Mark at pangarap niya noon ang maging arkitekto.

Sumasalisa iba’t ibang art exhibit si Mark at dumadayo sila sa iba’t ibang lugar sa labas ng City of Ilagan.

Sa pamamagitan ng social media ay ipinapakita ni Mark ang kanyang mga obra at marami ang mga bumibili.

Ang kanyang kita ay ibinibili ng mga bagong bagong gamit sa pagguhit.

Sinabi ni Ginang Agcaoili na nagpapasalamat sila sa mga suporta at pagkilala sa kanyang anak hindi lamang ng mga mamamayan kundi mula sa mga lokal opisyal sa Isabela.

Ang pahayag ni dating Barangay Kapitan Teresita Agcaoili