--Ads--

CAUAYAN CITY- Isinugod sa pagamutan ang isang binatilyo makaraang makuryente sa kanilang barangay hall ng Rizal, Cauayan City.

Ang biktima ay si Jefferson Andres, 16 anyos, Grade-9 at residente ng nabanggit na barangay.

Ipinatala sa Cauayan City Police Station ni Ginang Roseviminda Andres, 47 anyos, may asawa, residente ng barangay rizal, Cauayan City ang pagkuryente ng kanyang anak na si Jefferson.

Ayon sa ginang, inutusan umano ang kanyang anak na magkabit ng bombilya sa kanilang barangay hall.

--Ads--

Habang ikinakabit umano ang bumbilya ay nakuryente ang kanyang anak.

Agad umano siyang dinala sa Cauayan District Hospital na kalaunan ay inilipat din sa isang pribadong pagamutan para sa kaukulang lunas.