--Ads--

Babalik sa Pilipinas ang Irish pop group na Westlife para sa kanilang “WESTLIFE 25: The Anniversary World Tour” sa Enero 2027, tatlong taon matapos ang kanilang huling pagbisita sa bansa.

Ayon sa anunsyo, isa ang Pilipinas sa mga international stops ng kanilang world tour na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena sa Enero 20, 2027 bilang pagdiriwang ng kanilang 25 taon sa industriya ng musika.

Sinabi ng grupo na tampok sa konsiyerto ang “hit-filled set” na magbabalik sa kanilang mga tanyag na kanta sa buong karera, kabilang ang mga klasikong ballads at international chart-topping hits.

Magsisimula ang tour sa Dublin, Germany sa Setyembre 2026, at magpapatuloy sa iba’t ibang bansa tulad ng United Kingdom, Malaysia, Singapore, Hong Kong, Mexico, Australia, at New Zealand.

--Ads--

Kinumpirma rin na sina Shane Filan, Nicky Byrne, at Kian Egan ang sasama sa tour, habang si Mark Feehily ay nasa hiatus dahil sa kalusugan.

Kasabay ng anunsyo ng tour, inilabas din ng grupo ang album na “25 – The Ultimate Collection,” na nagtatampok ng kanilang pinakabagong mga kanta at mga fan favorites tulad ng “Uptown Girl” at “Flying Without Wings.”

Ayon sa Westlife, layunin ng tour na ipagdiwang ang kanilang 25 taong karera kasama ang kanilang mga tagahanga sa buong mundo. Ticket selling para sa Philippine concert ay magsisimula sa Mayo 15, ayon sa concert promoter na Wilbros Live.