Nakabawi ang Bitcoin at global stock market nitong Biyernes matapos ang mga pagkalugi nitong mga nakaraang araw, habang tinatasa ng mga investor ang mga hakbang ng US Treasury para mapababa ang pangmatagalang borrowing costs.
Pumalo sa mahigit $77,000 ang Bitcoin matapos umakyat ng halos 6 porsiyento. Mahigit 20% na rin ang itinaas nito ngayong linggo, pinakamalakas na antas mula Mayo.
Nakatulong sa pag-angat ng cryptocurrency ang pagbili ng US Treasury ng sarili nitong bonds, na nagpaluwag sa liquidity at nagpalakas sa risk appetite ng mga investor.
Samantala, nanatili namang mataas ang presyo ng langis matapos ang lingguhang pagtaas nito, habang nananatiling hindi nagkakasundo ang United States at Iran sa muling pagbubukas ng Strait of Hormuz.
Tumaas din ang mga pangunahing stock index sa US at Europe, habang halo-halo naman ang galaw ng mga merkado sa Asia.





