--Ads--

Nagpasok ng not guilty plea si Brice Hernandez at anim pang opisyal at kawani ng Bulacan First District Engineering Office sa kasong graft kaugnay ng umano’y ₱77 milyong ghost flood control project sa Balagtas, Bulacan.

Kabilang sa mga akusado sina dating DPWH officials Hernandez, Jaypee Mendoza at Juanito Mendoza, gayundin sina Arjay Domasig, Niño Morales, Floralyn Simbulan at Christina Pineda na nasa floating status.

Binigyan naman ng Sandiganbayan ng 10 araw ang apat na nasa floating status upang ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat isailalim sa preventive suspension.

Ayon sa Office of the Ombudsman, idineklarang 100 porsyentong kumpleto ang proyekto noong Mayo 2, 2025, kahit natuklasan sa inspeksiyon na wala ang flood control structure.

--Ads--

Samantala, hiningi ng prosekusyon na amyendahan ang impormasyon sa kaso upang ilagay ang itinakdang piyansa na ₱90,000.