Babawasan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga singil sa passenger service charge, landing fee, parking fee, at iba pang bayarin ng mga airlines sa bansa.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bahagi ito ng hakbang upang maprotektahan ang mga pasahero at maiwasang malugi ang mga negosyo sa kabila ng nagaganap na tensyon at krisis sa Middle East.
Sinabi ng Pangulo na makakatulong ang hakbang ng CAAP upang bumaba ang gastos ng mga airlines at maging mas abot-kaya ang pamasahe sa eroplano.
Pinaikli rin ng Civil Aeronautics Board ang panahon ng pag-review sa fuel surcharge mula sa dating isang buwan hanggang sa 15 araw na lamang. Aniya, mas mabilis na itong ma-adjust depende sa pagbabago ng presyo ng jet fuel. Kapag tumaas ang presyo, mas kontrolado ang pamasahe, at kapag bumaba naman, mas mabilis ding bababa ang pamasahe sa eroplano.










