Naging matagumpay ang kampanya ng Canada sa FIFA World Cup 2026 matapos nitong talunin ang South Africa, 1-0, sa Round of 32 at makuha ang puwesto sa Round of 16.
Nanguna para sa Canada si Stephen Eustaquio, na nagtala ng game-winning goal sa injury time ng laban upang basagin ang matatag na depensa ng South Africa at itulak ang kanyang koponan sa susunod na yugto ng torneo.
Mahigpit ang naging sagupaan ng dalawang koponan, na parehong naghahangad ng kanilang kauna-unahang tagumpay sa knockout stage ng World Cup. Gayunman, nanaig ang Canada sa mga huling sandali ng laban upang maiwasan ang extra time at maselyuhan ang kanilang pag-abante.
Dahil sa panalo, haharapin ng Canada sa Round of 16 ang mananalo sa laban ng Netherlands at Morocco sa Houston. Samantala, nagtapos na ang kampanya ng South Africa sa torneo matapos ang makasaysayang pag-abot nito sa knockout stage.











