--Ads--

Nakalatag na ang mga plano para sa pagpapalawak ng Southern Isabela Medical Center (SIMC) kabilang ang pagtatayo ng mga specialized health facilities na inaasahang magpapalawak pa sa serbisyong medikal para sa mga residente ng Cagayan Valley at mga karatig na lalawigan.

Ayon kay Undersecretary Glenn Mathew Baggao ng Department of Health, halos kumpleto na ang mga pasilidad sa loob ng SIMC Compound at patuloy pa itong dinadagdagan.

Aniya, bahagi ng pagpapalawak ng groundbreaking ng Cancer Center sa Isabela State University (ISU) na bunga ng pakikipag-ugnayan ng DOH sa pamunuan ng Unibersidad na mayroon nang College of Medicine.

Pakikinabangan aniya ito hindi lamang ng mga pasiyente kundi maging na rin ng mga mag-aaral ng medisina ng ISU.

--Ads--

Bukod dito, nakaprograma na rin ang pagtatayo ng Geriatric center na magsisilbi sa mga nakatatandang pasiyente gayundin ang isang infectious disease building na tututok sa pangangalaga ng mga pasiyenteng may nakakahawang sakit.

Ayon kay USec. Baggao na ang proyektong ito ay bahagi ng programa ng pambansang pamahalaan sa ilalim ng Universal Health Care upang mapalawak at mapabilis ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga Pilipino.

Gayunman, wala pa umanong maibibigay na tiyak na timeline para sa pagsasakatuparan sa mga nabanggit na proyekto ngunit tiniyak niyang nakaprogram na ang mga ito at siniguro ang suporta ng pamahalaan sa mga planong inihain ng pampublikong ospital.