--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay na ng matagpuan ang isang caretaker matapos itong magbigti sa Brgy. Minante Uno Cauayan City.

Ang lalaki ay animnaput tatlong taong gulang, binata, residente ng Taguig City at tatlong taon nang caretaker ng isang farm.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Roderick Martinez, kasamahan ng lalaki, sinabi niya na iniwan nila itong mag-isa sa lugar dahil nagtungo sila sa palayan na isandaang metro lamang ang layo sa bahay.

Bago ang pangyayari ay napansin nilang may problema ang lalaki dahil isang linggo na itong tuluy-tuloy na umiinom ng alak.

--Ads--

Kahapon ay nakainom na rin ito ng apat na bote ng alak bago ito nagpatiwakal.

Alad dyes trenta ng umaga nang matagpuan na lamang nila ang lalaki na nagbigti gamit ang nylon rope sa poste ng garahe kaya humingi na sila ng tulong sa mga otoridad.

Agad namang rumesponde ang mga rescuer at dinala pa sa ospital ang lalaki ngunit binawian na ng buhay.