--Ads--

Iginiit ng PNP Cauayan na nananatiling payapa ang kanilang monitoring sa lungsod ngayong nalalapit na halalan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt.Col. Ernesto Nebalasca Jr., sinabi niya na generally peaceful pa rin ang kanilang obserbasyon dahil wala naman silang na monitor na matinding election related incident.

Sa pagsisimula ng election period hanggang sa pagkakataong ito na 5-araw nalang bago ang halalan, ay wala namang ibang insidente na naitala bukod sa pagkakakumpiska nila ng baril sa ilang mga indibidwal at sa pagsasagawa naman ng buybust operation.

Sa ngayon ay patuloy naman na magbabantay sa mga polling centers ang 108 PNP personnel at babantayan rin aniya ang kilos ng bawat kandidato.

--Ads--

Mananatili naman aniyang non-partisan ang mga kapulisan sa Cauayan at gagawin lamang nila ang kanilang tungkulin na panatilihin ang kapayapaan sa pagitan ng mga kandidato at mga supporters.

Dagdag pa ni PLt.Col Nebalasca, bagaman tila may personal na alitan aniya ang ilang mga kandidato ay nakikita naman ng pulisya na payapa ang pangangampanya ng bawat partido.

Umaasa ang Cauayan City Police Station na mapapanatili hanggang sa May 12 ang kapayapaan sa lungsod ng Cauayan.