Muling magbabalik sa bansa ang South Korean singer na si Chen ng boy group EXO ngayong darating na Agosto para sa KOSTCON 2025—isang konsyertong nagbibigay-pugay sa mga tanyag na K-drama soundtrack.
Ayon sa event promoter, kabilang na si Chen sa opisyal na lineup ng nasabing concert. Kilala siya sa kanyang makabagbag-damdaming ballads bilang solo artist. Gaganapin ang KOSTCON sa Agosto 6 sa isang kilalang mall sa Pasay City.
Ito ang unang pagbabalik ni Chen sa Pilipinas mula nang isagawa niya ang kanyang solo fan concert noong Nobyembre 2024.
Batay sa deskripsyon ng event, ang KOSTCON 2025 ay isang immersive experience para sa mga tagahanga ng K-drama music.
Si Chen, o Kim Jong-dae sa tunay na buhay, ay nag-debut sa EXO noong 2012 at miyembro rin ng sub-unit na EXO-CBX kasama sina Baekhyun at Xiumin.
Bilang soloist, inilabas niya ang EP na “April, and a Flower” noong 2019. Sumikat din siya sa mga K-drama OST tulad ng “Best Luck” para sa “It’s Okay, That’s Love” at “Everytime” (kasama si Punch) para sa “Descendants of the Sun.”