--Ads--

Nang nasa 13 nautical miles na lamang ang mga barko ng Pilipinas mula sa Bajo de Masinloc, dito sila gumamit ng water cannon na hindi naman direktang itinutok sa barko ng Pilipinas.

Ayon sa Philippine Coast Guard, umabot ng halos dalawang minuto ang pagpapaputok ng tubig ng CCG.

Sa kabila ng insidente, natapos ng BFAR at Philippine Coast Guard ang kanilang misyon na maghatid ng tulong sa mga Pilipino doon.

Samantala, Magbibigay ang Palasyo Malacañang ng tig-P100,000 na tulong pinansyal sa dalawang miyembro ng Philippine Navy na nasugatan sa naganap na insidente sa Ayungin Shoal.

--Ads--

Ayon sa Palasyo, ang ayuda ay pagkilala sa sakripisyo at dedikasyon ng mga sundalong nasaktan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea.

Hindi pa inilalabas ng Malacañang ang pagkakakilanlan ng dalawang Navy personnel at ang detalye ng kanilang mga tinamong pinsala. Gayunman, tiniyak ng pamahalaan na patuloy silang makatatanggap ng kinakailangang suporta habang nagpapagaling.

Matatandaang una nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hinampas ng baton na gawa sa kahoy ang miyembro ng PH navy na nagresulta sa pagkakasugat sa ulo.

Bunsod parin ng patuloy na paglaban ng Pilipinas sa karapatan at soberanya nito sa naturang karagatan na nasa loob ng exclusive economic zone ng bansa.

Una nang itinanggi ng China Coast Guard (CCG) ang alegasyon at iginiit na ang mga tauhan umano ng Pilipinas ang unang gumamit ng mga sagwan bilang sandata para paluin sa kanilang mga tauhan.