--Ads--
Nagpulong ngayong araw sina Chinese President Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin sa Beijing, China.
Personal na sinalubong ni Xi si Putin sa Great Hall of the People kung saan nagkamayan ang dalawang lider bago ang kanilang bilateral talks. Dumaan din sila sa red carpet ceremony habang pinatutugtog ang pambansang awit ng China at Russia.
Sa pag-uusap, binigyang-diin ni Putin ang patuloy na “malakas at positibong” ugnayan at kooperasyon ng Russia at China sa kabila ng mga pandaigdigang hamon.
Inaasahang tatalakayin ng dalawang lider ang sitwasyon sa Middle East, Ukraine, at iba pang isyung pandaigdig, habang nakatakda ring lagdaan ang tinatayang 40 kasunduan sa iba’t ibang larangan.
--Ads--











