--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakasagupa ng mga kasapi ng 54th Infantry Battalion sa ilalim ng 503rd Infantry Brigade ang nasa humigit kumulang dalawampung kasapi ng KLG Baggas sa bahagi ng Balbalan Proper at Barangay Maling Balbalan Kalinga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army Capt. Melchor Keyog ng 503rd Brigade civil Military Operations Office ng Philippine Army sinabi niya na nagpapatuloy ang clearing operations ng militar sa lugar at tinutugis ang mga tumakas na kasapi ng NPA.

Bago ang sagupaan ay nasagip ng militar si  Mr Gap-idan Claver Bawit alyas AKMA/SIMPLE.

Si alyas Akma ay kabilang sa mga kasapi ng KLG Baggas na nakasagupa ng militar sa Sitio Danga, Barangay Balantoy , Balbalan, Kalinga noong Mayo 31, 2024.

--Ads--

Napag-alaman na iniwan si Akma ng kaniyang mga kasamahan sa kagubatan kung saan siya nakita ng ilang concerned citizen na silang nagbigay ng impormasyon sa Militar na naging susi para siya ay masagip.

Kasunod ng pagkakarescue kay alyas akma ay agad silang nagsagawa ng operasyon sa lugar na nagresulta sa sagupaan .

May mga naitalaga na ring mga sundalo na nakikipag ugnayan sa mga residente o kalapit na barangay malapit sa encounter site para agad na iulat kung sakaling may mamataang mga NPA na hihingi ng tulong sa kanila.

Nagpasalamat rin ang Militar sa mga concerned citizen na nagbigay ng impormasyon para tuluyan nang masawata ang makakaliwang grupo.