CAUAYAN CITY- Muling nag paalala ang Commission on election o COMELEC San Mateo sa mga local na kandidato na iwasan ang paglalagay ng mga banners maging tarpaulins sa mga private property na pag mamay-ari ng mga empleyadong sakop ng Civil Service Commission o CSC.
Ayon kay Comelec Officer Jewel Darius Cardines hindi sila nag kulang sa paalala na kung magkakabit ang mga election materials sa mga private property ay ipaalam muna sa may-ari lalo na kung ang may-ari ay empleyado ng Pamahalaan.
Giit niya na kahit hindi mismong mga kandidato ang nagdidikit ng kanilang mga campaign propaganda materials ay hindi parin magandang tignan na basta na lamang maglalagay sa mga private property ng hindi muna humihingi ng consent sa may-ari.
Kung matatandaan maka-ilang ulit naring nagpaalala ang CSC sa mga empleyado na manatiling apolitical at non-partisan ngayong election period.
Una naring naging usap-usapan sa naturang bayan ang umanoy sa election material na ikinabit sa mga private property na umano’y tinanggal ng mga may-ari.