--Ads--

Nakahanda ang Commission on Elections o COMELEC sakaling ipag-utos ng Korte Suprema na ipagpatuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE ngayong taon.

Sa pagdinig ng Senado sa panukalang budget ng COMELEC para sa 2027, sinabi ni Chairman George Garcia na susunod ang komisyon sa anumang kautusan ng Supreme Court.

Gayunman, ipinahinto na ng COMELEC ang mga paghahanda para sa BSKE matapos maisabatas ang pagpapaliban ng halalan sa 2028.

Ayon kay Garcia, kung maglalabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order o TRO laban sa bagong batas, hindi na nila kakayaning ituloy agad ang halalan sa Nobyembre 2 dahil kakailanganin pa ng hindi bababa sa dalawang linggo para maihanda ang mga kinakailangang proseso, kabilang ang filing ng certificates of candidacy.

--Ads--

Samantala, nasa mahigit ₱8 bilyon na ang nagastos ng COMELEC sa paghahanda para sa halalan, kabilang ang pagbili ng election supplies, kagamitan at manpower.

Sinabi ni Garcia na maaari pa ring magamit sa mga susunod na halalan ang ilan sa mga biniling kagamitan at supplies, basta maayos na maiimbak at mapangalagaan.