--Ads--

Tuluyan nang inalis ng Commission on Elections o Comelec ang Moro Ako Party sa roster ng Major Regional Parliamentary Political Party o RPPP para sa 2026 BARMM parliamentary elections.

Sa Certificate of Finality and Entry of Judgment na may petsang Setyembre 7, sinabi ng Comelec na wala itong natanggap na motion for reconsideration laban sa August 27 ruling ng Commission En Banc na nagpatibay sa disqualification ng partido.

Ibinasura ng Comelec ang apela ng Moro Ako dahil sa kawalan umano ng merito, matapos mabigong matugunan ng partido ang registration requirements at dahil sa umano’y material misrepresentation.

Dahil final at executory na ang desisyon, binawi na rin ang accreditation ng Moro Ako bilang Major RPPP, kabilang ang mga pribilehiyo nito gaya ng election returns at pagtatalaga ng mga watchers.

--Ads--

Ayon sa Comelec, walong Major RPPPs na lamang ang accredited para sa halalan sa BARMM sa Setyembre 14.