--Ads--

CAUAYAN CITY – Malaki na ang naging  epekto ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa turismo ng lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Tourism Officer Marichelle Costales, sinabi niya na dahil sa COVID-19 ay isinara ng kanilang tanggapan ang iba’t ibang tourism sites sa lalawigan na posibleng puntahan ng mga tao.

Sa kabila nito ay patuloy ang pagpaplano nila ng mga ilalatag na panuntunan kapag nagbukas na muli ang mga ito.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang Provincial Tourism Office sa mga municipal tourism officers sa Nueva Vizcaya upang talakayin ang kanilang mga panukalang new normal plans.

--Ads--

Ayon kay Provincial Tourism Officer Costales, may mga pasyalan na ngayong nagbukas sa mga Novo Vizcayano na kinabibilangan ng Lower Magat Eco-Tourism site sa bayan ng Diadi at Provincial Museum and Library matapos mabigyan ng Certificate of Authority to Operate mula sa  Department of Tourism (DOT).

Dagdag niya na pinapahintulutan naman nila ang mga mayor na magdesisyon para buksan ang mga pasyalan sa kanilang lugar.

Tiniyak ng Provincial Tourism Officer ang kaligtasan ng mga magtutungo sa mga pook-pasyalan sa lalawigan kapag muli nang nagbukas ang mga ito.

Ang pahayag ni Provincial Tourism Officer Marichelle Costales