--Ads--

CAUAYAN CITY – Lumobo na sa 315 ang mga COVID-19 positive sa region 2 matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng dalawang bagong positibo.
Ang una ay si CV314, 55 anyos na lalaki na mula saCauayan City at Locally Stranded Individual (LSI) na galing sa Tarlac.
Siya ay nakaranas ng ubo at nasa City Government Quarantine Facility.
Ang ikalawa ay si CV315, 60 anyos na babae na mula sa Ramon, Isabela at LSI na galing sa Caloocan City.
--Ads--
Siya ay asymptomatic ngunit nasa quarantine facility ng LGU.
Isinasagawa na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng dalawang bagong COVID-19 positive.










