--Ads--

CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 148 ang COVID-19 positive sa region 2 matapos na maitala kahapon ang 8 bagong positibo.

Ang unang kaso ay si CV141,  29 anyos na babae mula sa City of Ilagan, galing sa  Caloocan City, nasa pangangalaga ng quarantine facility ng pamahalaang lunsod at  asymptomatic.

Ang ikalawa ay si CV142, 42 anyos na lalaki mula sa Gonzaga, Cagayan na galing sa Mandaue City, Cebu  at nakaranas ng lagnat at panunuyo ng lalamunan mula noong July 2, 2020.

Ang ikatlo ay si CV143, 45 anyos na lalaki na isang Person Deprived of Liberty (PDL) sa Cagayan Provincial Jail.

--Ads--

May kasaysayan siya ng paglalakbay sa Caloocan City, nasa pangangalaga ng isolation facility ng Cagayan Provincial Jail at  asymptomatic.

Ang ikaapat  ay si CV144, 49  anyos na lalaki mula sa Cauayan City at  galing sa Metro Manila, asymptomatic  at nasa pangangalaga ng quarantine facility ng pamahalaang panlalawigan sa Cauayan City.

Ang ikalima  ay si CV145, 28 anyos na lalaki mula sa Lallo, Cagayan, galing sa Taguig City, nasa pangangalaga ng quarantine facility ng lokal na pamahalaan at  asymptomatic.

Ang ikaanim ay si CV146,  27 anyos  na babae mula sa Lallo, Cagayan na galing sa Quezon City at asymptomatic.

Ang ikapito ay  si CV147,  21 anyos na babae mula sa Luna, isabela, galing sa Paranaque City at asymptomatic.

Ang ikawalo ay si CV148, 26 anyos na babae mula sa Lallo, Cagayan na galing sa Quezon City at asymptomatic.

Ang contact tracing para sa lahat ng posibleng nakasalamuha ng mga nagpositibong kaso ay isinasagawa na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) at kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at Isabela at mga lokal na pamahalaan.