Inanunsyo nina Cristine Reyes at dating National Youth Commission (NYC) Chair Gio Tingson ang kanilang engagement sa pamamagitan ng isang joint Instagram post.
Nitong Mayo 20, ibinahagi ng dalawa ang ilang sweet photos mula sa kanilang couple’s getaway sa Hong Kong, kung saan kapansin-pansin ang suot na engagement ring ni Cristine na may bilog na diyamante.
Bagama’t hindi pa ibinunyag ng dalawa kung paano isinagawa ni Gio Tingson ang proposal, lumalabas sa mga larawan na naganap ang kanilang engagement habang nasa Hong Kong.
Sa caption ng kanilang post, isinulat ni Cristine ang katagang, “Every timeline led here. Endgame unlocked,” na agad na umani ng reaksyon mula sa kanilang fans at followers.
Bumuhos din ang pagbati mula sa kanilang mga kaibigan at kapwa celebrities kabilang sina Iza Calzado, Alessandra Rossi, Alex Gonzaga, Carla Abellana, Dominic Roque, Dianne Medina, Isabelle Daza, Nikki Valdez, Luis Alandy, at Ryza Cenon.
Sa ngayon, wala pang ibinabahaging karagdagang detalye ang engaged couple tungkol sa kanilang wedding plans.






