--Ads--
Engaged na ang celebrity couple na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose matapos mag-propose ang aktor sa kaniyang longtime girlfriend sa kanilang ikalimang anibersaryo bilang magkasintahan.
Ibinahagi ng dalawa sa social media ang video ng paghahanda at marriage proposal ni Cruz, na kinunan ng wedding videographer na si Jason Magbanua.
Isinagawa ang proposal sa isang fine dining restaurant sa Taguig City, kung saan naroon ang kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan. Emosyonal namang tinanggap ni San Jose ang alok na pagpapakasal ng aktor.
Naugnay sa isa’t isa sina Cruz at San Jose noong unang bahagi ng 2022 bago tuluyang kumpirmahin sa publiko ang kanilang relasyon makalipas ang ilang buwan.
--Ads--








