--Ads--

Nagkaroon ng panibagong ginhawa sa mga motorista matapos ianunsyo ng mga kumpanya ng langis ang malakihang rollback sa presyo ng diesel at kerosene, habang may bahagyang taas-presyo naman sa gasolina.

Ayon sa Department of Energy (DOE), epektibo ngayong araw, bumaba ang presyo ng diesel ng hindi bababa sa ₱9.57 kada litro habang mababawasan din ng ₱13.30 kada litro ang kerosene.

Sa kabilang banda, tumaas naman ang presyo ng gasolina ng hanggang ₱0.47 kada litro.

Una nang sinabi ng DOE na sa ilalim ng state of national energy emergency, may kapangyarihan ang ahensya na magpatupad ng limitasyon sa taas-presyo ng fuel at magtakda ng minimum rollback upang mapagaan ang epekto sa mga consumer.

--Ads--