Nakipagpulong si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) secretary Manuel Bonoan sa Office of the Ombudsman.
Sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla, na nagbigay ng kaniyang testimonya ang dating Kalihim.
Tinawag ni Remulla na ang mga pahayag ni Bonoan ay mahalaga sa kanilang imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects.
Sa mga susunod na araw ay makikipagpulong si Remulla sa mga prosecutors dahil ayaw nitong matulog ang kaso.
Una ng pinayagan ng Ombudsman si Bonoan na maging state witness as kasong graft na may kinalaman sa anomalya sa flood control projects.
Matatandaan na Una nang pinayagan ng Ombudsman si Bonoan na maging state witness sa kasong graft na may kaugnayan sa kontrobersiya sa flood control projects.
Kabilang si Bonoan sa mga dating opisyal ng DPWH na tinitingnan ng Ombudsman kaugnay ng umano’y iregularidad sa pagpapatupad ng ilang proyekto.
Sa kaniyang pagharap sa Ombudsman, nagbigay ng testimonya ang dating kalihim na ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla ay mahalaga sa nagpapatuloy nilang imbestigasyon.
Sinabi ni Remulla na makikipagpulong siya sa mga prosecutors sa mga susunod na araw upang matiyak na hindi maaantala ang pag-usad ng kaso.











