--Ads--

Inaresto ang isang dating supervisor ng gasolinahan sa Taft Avenue, Maynila dahil sa umano’y pagnanakaw ng tinatayang P57 milyon mula sa kita ng kumpanya.

Ayon sa Manila Police District, nakuha ang suspek, 35 taong gulang, sa Parañaque City sa pamamagitan ng arrest warrant noong Marso 31 bilang bahagi ng isinagawang manhunt operation.

Natuklasan ang mga iregularidad sa kanyang financial reports matapos mapansin ng auditor na hindi niya dine-deposito ang buong kita at pinepeke ang mga rekord. Umani umano ito ng halos isang taon, dahilan para umabot sa kabuuang P57 milyon ang nalikom na hindi naipasa sa kumpanya.

Napansin din ng kanyang mga kasamahan ang biglaang marangyang pamumuhay na hindi akma sa kanyang sahod.

--Ads--

Kasalukuyang nasa kustodiya ng MPD ang suspek at nahaharap sa 60 counts ng kasong qualified theft.