--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakatanggap ng karagdagang kagamitan ang lahat ng pampublikong Day Care Center sa lungsod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Caesar “Jaycee” Dy,  sinabi niya na lahat ng Early Childhood Care and Development Center (ECCDC) sa 65 na barangay ay nabigyan ng 32 inches smart television at mga libro na makatutulong sa pagpapaganda ng kalidad ng edukasyon.

Naniniwala kasi ang Alkale na mas tataas ang kalidad ang edukasyon at ang pagtuturo ng mga Guro sa mga mag-aaral kung sapat ang mga kagamitan.

Sa ipinamahaging smart telivisions, tiyak aniya na mas madaling matuto ang mga estudyante lalo na kung maganda ang presentation ng Guro.

--Ads--

Hindi naman umano maikakaila na marami ng mga bata ang exposed na sa mga mga teknolohiya kaya naman gagamitin nila ng mga ito para sa mas mapabilis ang kanilang pagkatuto.

Nilinaw naman niya na hindi lamang nakatuon ang mga estudyante sa teknolohiya dahil malaking tulong  din ang reading materials na kanilang ipinamahagi.